Genesis 41

Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Ehipto na ganoon kapangit.

Genesis 41:19 (UKJV) And, behold, seven other cattle came up after them, poor and very ill favoured and thin, such as I never saw in all the land of Egypt for badness:

17Sinabi ng Faraon ang panaginip niya kay Jose. Sinabi niya, “Nanaginip ako na nakatayo ako sa pampang ng Ilog Nilo.

18Biglang may umahon na pitong magaganda at matatabang baka na kumakain ng damo.

19Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Ehipto na ganoon kapangit.

20Kinain ng mga pangit at payat na baka ang pitong matatabang baka na unang nagsiahon.

21Ngunit pagkakain nila, hindi man lang halata na nakakain sila ng ganoon dahil ganoon pa rin sila kapapayat. At bigla akong nagising.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.