19Maya-maya paʼy may umahon din na pitong pangit at payat na baka. Wala pa akong nakitang baka sa buong Ehipto na ganoon kapangit.
20Kinain ng mga pangit at payat na baka ang pitong matatabang baka na unang nagsiahon.
21Ngunit pagkakain nila, hindi man lang halata na nakakain sila ng ganoon dahil ganoon pa rin sila kapapayat. At bigla akong nagising.
22“Ngunit nakatulog ulit ako at nanaginip na naman. Nakakita ako ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga.
23At sa sanga ring iyon, sumulpot din ang pitong uhay na payat ang butil at natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.