22“Ngunit nakatulog ulit ako at nanaginip na naman. Nakakita ako ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga.
23At sa sanga ring iyon, sumulpot din ang pitong uhay na payat ang butil at natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.
24At kinain ng mga payat na uhay ang pitong matatabang butil na uhay. Sinabi ko na ito sa mga salamangkero, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”
25Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Faraon, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.
26Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan.