Genesis 41

Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Faraon, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.

Genesis 41:25 (UKJV) And Joseph said unto Pharaoh, The dream of Pharaoh is one: God has showed Pharaoh what he is about to do.

23At sa sanga ring iyon, sumulpot din ang pitong uhay na payat ang butil at natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.

24At kinain ng mga payat na uhay ang pitong matatabang butil na uhay. Sinabi ko na ito sa mga salamangkero, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag ng kahulugan nito.”

25Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Faraon, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.

26Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan.

27Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taóng taggutom.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.