25Sinabi ni Jose sa Faraon, “Mahal na Faraon, ang dalawang panaginip po ninyo ay iisa lang ang kahulugan. Sa pamamagitan ng mga panaginip ninyo, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano ang kanyang gagawin.
26Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan.
27Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taóng taggutom.
28“Gaya po ng sinabi ko sa inyo, Mahal na Faraon, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano po ang kanyang gagawin.
29Sa loob po ng darating na pitong taon, magiging labis ang kasaganaan sa buong Ehipto.