Genesis 41

“Gaya po ng sinabi ko sa inyo, Mahal na Faraon, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano po ang kanyang gagawin.

Genesis 41:28 (UKJV) This is the thing which I have spoken unto Pharaoh: What God is about to do he shows unto Pharaoh.

26Ang pitong matatabang baka at pitong matatabang uhay ay parehong pitong taon ang kahulugan.

27Ang pitong payat at pangit na baka at ang pitong payat na butil na uhay na pinatigas ng mainit na hangin na galing sa silangan ay nangangahulugan po ng pitong taóng taggutom.

28“Gaya po ng sinabi ko sa inyo, Mahal na Faraon, ipinapahayag sa inyo ng Diyos kung ano po ang kanyang gagawin.

29Sa loob po ng darating na pitong taon, magiging labis ang kasaganaan sa buong Ehipto.

30Ngunit susundan po agad ito ng pitong taon na taggutom, at makakalimutan na ng mga tao ang naranasan nilang kasaganaan dahil ang taggutom ay nagdulot ng pinsala sa lupain ng Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.