Genesis 41

Dalawang beses po kayong nanaginip, Mahal na Faraon, upang malaman nʼyo na itinakda ng Diyos na mangyayari ito at malapit na itong mangyari.

Genesis 41:32 (UKJV) And for that the dream was doubled unto Pharaoh twice; it is because the thing is established by God, and God will shortly bring it to pass.

30Ngunit susundan po agad ito ng pitong taon na taggutom, at makakalimutan na ng mga tao ang naranasan nilang kasaganaan dahil ang taggutom ay nagdulot ng pinsala sa lupain ng Ehipto.

31Matinding taggutom po ang darating na parang walang kasaganaang naranasan.

32Dalawang beses po kayong nanaginip, Mahal na Faraon, upang malaman nʼyo na itinakda ng Diyos na mangyayari ito at malapit na itong mangyari.

33“Kaya ngayon, Mahal na Faraon, iminumungkahi ko po na dapat kayong pumili ng isang taong matalino at may kakayahang upang mamahala sa lupain ng Ehipto.

34Maglagay din po kayo ng mga opisyal sa buong Ehipto upang ihanda ang lugar na ito sa loob ng pitong taon na kasaganaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.