31Matinding taggutom po ang darating na parang walang kasaganaang naranasan.
32Dalawang beses po kayong nanaginip, Mahal na Faraon, upang malaman nʼyo na itinakda ng Diyos na mangyayari ito at malapit na itong mangyari.
33“Kaya ngayon, Mahal na Faraon, iminumungkahi ko po na dapat kayong pumili ng isang taong matalino at may kakayahang upang mamahala sa lupain ng Ehipto.
34Maglagay din po kayo ng mga opisyal sa buong Ehipto upang ihanda ang lugar na ito sa loob ng pitong taon na kasaganaan.
35Sa mga panahong iyon, ipaipon nʼyo rin po sa kanila ang lahat ng makokolekta ninyo galing sa mga ani at sa ilalim ng inyong pamamahala, ipatago po ninyo sa kanila ang mga ani sa mga kamalig ng mga lungsod.