Genesis 41

Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo.

Genesis 41:39 (UKJV) And Pharaoh said unto Joseph, Forasmuch as God has showed you all this, there is none so discreet and wise as you are:

37Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga opisyal ang mungkahi ni Jose.

38Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Diyos.”

39Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo.

40Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”

41Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Itinatalaga kita bilang gobernador ng buong Ehipto.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.