36Ang mga pagkaing ito ay ilalaan para sa mga tao kapag dumating na ang pitong taóng taggutom sa Ehipto, upang hindi sila magutom.”
37Nagustuhan ng Faraon at ng kanyang mga opisyal ang mungkahi ni Jose.
38Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Diyos.”
39Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo.
40Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”