Genesis 41

Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”

Genesis 41:40 (UKJV) You shall be over my house, and according unto your word shall all my people be ruled: only in the throne will I be greater than you.

38Sinabi niya sa kanyang mga opisyal, “Wala na tayong makikita pang ibang tao na kagaya ni Jose na ginagabayan ng Espiritu ng Diyos.”

39Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Sapagkat sinabi sa iyo ng Diyos ang mga bagay na ito, wala na sigurong iba pang tao na may kaalaman at pang-unawa na kagaya mo.

40Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”

41Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Itinatalaga kita bilang gobernador ng buong Ehipto.”

42Tinanggal agad ng Faraon ang kanyang singsing na pangtatak at isinuot sa daliri ni Jose. Pinasuotan niya si Jose ng espesyal na damit na gawa sa pinong lino at pinasuotan ng gintong kuwintas.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.