40Gagawin kita ngayong tagapamahala ng aking kaharian at susunod sa iyo ang lahat ng aking mga tauhan. Ngunit bilang hari, mas mataas pa rin ang aking kapangyarihan kaysa sa iyo.”
41Kaya sinabi ng Faraon kay Jose, “Itinatalaga kita bilang gobernador ng buong Ehipto.”
42Tinanggal agad ng Faraon ang kanyang singsing na pangtatak at isinuot sa daliri ni Jose. Pinasuotan niya si Jose ng espesyal na damit na gawa sa pinong lino at pinasuotan ng gintong kuwintas.
43Ipinagamit din niya kay Jose ang kanyang pangalawang karwahe, at may mga tagapamalita na mauuna sa kanya na sumisigaw, “Lumuhod kayo sa gobernador!” Kaya simula noon, naging gobernador si Jose sa buong lupain ng Ehipto.
44Sinabi pa ng Faraon kay Jose, “Ako ang hari dito sa Ehipto, ngunit walang sinuman ang gagawa ng kahit ano dito nang walang pahintulot mo.”