4Kinain ng pitong pangit at payat na baka ang pitong magaganda at matatabang baka. At nagising agad ang Faraon.
5Muling siyang nakatulog at nanaginip na naman. Sa kanyang panaginip, nakakita siya ng pitong uhay na mataba ang butil na sumulpot sa isang sanga.
6At sa sanga ring iyon, sumulpot ang pitong uhay na payat ang butil na natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.
7Kinain agad ng mapapayat na uhay ang pitong matatabang uhay. At nagising agad ang Faraon. Akala niyaʼy totoo iyon ngunit panaginip lang pala.
8Kinaumagahan, litong-lito ang isip ng Faraon tungkol sa mga panaginip niya, kaya ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero at matatalinong tao sa Ehipto. Sinabi niya sa kanila ang mga panaginip niya, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag kung ano ang kahulugan nito.