Genesis 41

Kinaumagahan, litong-lito ang isip ng Faraon tungkol sa mga panaginip niya, kaya ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero at matatalinong tao sa Ehipto. Sinabi niya sa kanila ang mga panaginip niya, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag kung ano ang kahulugan nito.

Genesis 41:8 (UKJV) And it came to pass in the morning that his spirit was troubled; and he sent and called for all the magicians of Egypt, and all the wise men thereof: and Pharaoh told them his dream; but there was none that could interpret them unto Pharaoh.

6At sa sanga ring iyon, sumulpot ang pitong uhay na payat ang butil na natuyo dahil sa mainit na hangin na galing sa silangan.

7Kinain agad ng mapapayat na uhay ang pitong matatabang uhay. At nagising agad ang Faraon. Akala niyaʼy totoo iyon ngunit panaginip lang pala.

8Kinaumagahan, litong-lito ang isip ng Faraon tungkol sa mga panaginip niya, kaya ipinatawag niya ang lahat ng salamangkero at matatalinong tao sa Ehipto. Sinabi niya sa kanila ang mga panaginip niya, ngunit wala ni isa man sa kanila ang makapagpaliwanag kung ano ang kahulugan nito.

9Pagkatapos, lumapit ang pinuno ng mga tagasilbi niya ng alak at sinabi sa Faraon, “Naalala ko na po ngayon ang aking mga pagkukulang.

10Nang nagalit po kayo noon sa akin at sa pinuno ng mga panadero, ipinakulong nʼyo po kami sa bahay ng kapitan ng mga guwardiya sa palasyo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.