Genesis 43

Pinapasok ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid sa bahay ni Jose at binigyan ng tubig upang makapaghugas sila ng kanilang mga paa. Binigyan din niya ng pagkain ang kanilang mga asno.

Genesis 43:24 (UKJV) And the man brought the men into Joseph's house, and gave them water, and they washed their feet; and he gave their asses animal food.

22Nagdala pa po kami ng karagdagang pera upang bumili ng pagkain. Hindi po namin alam kung sino ang naglagay ng pera sa mga sako namin.”

23Sumagot ang tagapamahalang alipin, “Walang anuman iyon, huwag kayong matakot. Ang inyong Diyos, na Diyos din ng inyong ama, ang siya sigurong naglagay ng perang iyon sa mga sako ninyo. Natanggap ko ang bayad nʼyo noon.” Pagkatapos, dinala niya si Simeon sa kanila.

24Pinapasok ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid sa bahay ni Jose at binigyan ng tubig upang makapaghugas sila ng kanilang mga paa. Binigyan din niya ng pagkain ang kanilang mga asno.

25Inihanda ng magkakapatid ang mga regalo nila kay Jose habang hinihintay nila ang pag-uwi nito. Sapagkat sinabihan sila na doon magtanghalian sa bahay ni Jose.

26Pagdating ni Jose, nagpatirapa sila sa kanyang harapan at ibinigay nila ang kanilang mga regalo.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.