Genesis 43

Pagdating ni Jose, nagpatirapa sila sa kanyang harapan at ibinigay nila ang kanilang mga regalo.

Genesis 43:26 (UKJV) And when Joseph came home, they brought him the present which was in their hand into the house, and bowed themselves to him to the earth.

24Pinapasok ng tagapamahalang alipin ang magkakapatid sa bahay ni Jose at binigyan ng tubig upang makapaghugas sila ng kanilang mga paa. Binigyan din niya ng pagkain ang kanilang mga asno.

25Inihanda ng magkakapatid ang mga regalo nila kay Jose habang hinihintay nila ang pag-uwi nito. Sapagkat sinabihan sila na doon magtanghalian sa bahay ni Jose.

26Pagdating ni Jose, nagpatirapa sila sa kanyang harapan at ibinigay nila ang kanilang mga regalo.

27Kinumusta sila ni Jose. Pagkatapos, nagtanong din siya, “Kumusta ang ama ninyong matanda na, na binanggit nʼyo noon sa akin? Buháy pa ba siya?”

28Sumagot sila, “Buháy pa po si ama at mabuti pa naman po siya.” Pagkatapos, nagpatirapa silang muli sa kanyang harapan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.