25Inihanda ng magkakapatid ang mga regalo nila kay Jose habang hinihintay nila ang pag-uwi nito. Sapagkat sinabihan sila na doon magtanghalian sa bahay ni Jose.
26Pagdating ni Jose, nagpatirapa sila sa kanyang harapan at ibinigay nila ang kanilang mga regalo.
27Kinumusta sila ni Jose. Pagkatapos, nagtanong din siya, “Kumusta ang ama ninyong matanda na, na binanggit nʼyo noon sa akin? Buháy pa ba siya?”
28Sumagot sila, “Buháy pa po si ama at mabuti pa naman po siya.” Pagkatapos, nagpatirapa silang muli sa kanyang harapan.
29Pagkakita ni Jose kay Benjamin na kapatid niyang buo, sinabi niya, “Ito ba ang bunsong kapatid ninyo na ikinuwento nʼyo noon sa akin?” Sinabi niya agad kay Benjamin, “Nawaʼy pagpalain ka ng Diyos.”