Genesis 45

Sabihin nʼyo sa aking ama ang tungkol sa karangalang nakamit ko rito sa Ehipto at ang lahat ng nakita ninyo. At dalhin nʼyo siya agad dito sa akin.”

Genesis 45:13 (UKJV) And all of you shall tell my father of all my glory in Egypt, and of all that all of you have seen; and all of you shall haste and bring down my father here.

11Aalagaan ko siya rito sa Goshen dahil may darating pang limang taon na taggutom. Ayaw kong magutom siya at ang kanyang sambahayan, pati ang kanyang mga hayop.”

12Nagpatuloy si Jose sa pagsasalita, “Ngayong alam nʼyo na, maging ng kapatid kong si Benjamin, na talagang ako si Jose na nakikipag-usap sa inyo.

13Sabihin nʼyo sa aking ama ang tungkol sa karangalang nakamit ko rito sa Ehipto at ang lahat ng nakita ninyo. At dalhin nʼyo siya agad dito sa akin.”

14Pagkatapos, niyakap ni Jose ang kanyang kapatid na si Benjamin, umiiyak siya habang nakayakap kay Jose.

15Pagkatapos, pinaghahagkan ni Jose ang lahat ng kapatid niya at patuloy siyang umiiyak sa kanila. Pagkatapos noon ay nakipag-usap sa kanya ang mga kapatid niya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.