18Pagkatapos, dalhin nila rito ang kanilang ama at ang kani-kanilang pamilya, dahil ibibigay ko sa kanila ang pinakamagandang lupain sa Ehipto at matitikman nila ang pinakamagandang ani nito.
19“Sabihin mo rin sa kanila na magdala sila ng mga karwahe mula rito sa Ehipto upang masakyan ng mga asawaʼt anak nila. At dalhin nila rito ang inyong ama.
20Huwag na silang manghinayang sa mga ari-arian nilang maiiwan dahil ang magagandang bagay sa buong Ehipto ay magiging sa kanila.”
21Ginawa ito ng mga anak ni Jacob. At ayon sa utos ng Faraon, binigyan ni Jose ang mga kapatid niya ng mga karwahe at pinabaunan ng pagkain sa kanilang paglalakbay.
22Binigyan din niya ang bawat isa sa kanila ng damit; ngunit ang ibinigay niya kay Benjamin ay limang damit at 300 pirasong pilak.