Genesis 45

Pagkatapos, dalhin nila rito ang kanilang ama at ang kani-kanilang pamilya, dahil ibibigay ko sa kanila ang pinakamagandang lupain sa Ehipto at matitikman nila ang pinakamagandang ani nito.

Genesis 45:18 (UKJV) And take your father and your households, and come unto me: and I will give you the good of the land of Egypt, and all of you shall eat the fat of the land.

16Nang makarating ang balita sa palasyo ng Faraon na dumating ang mga kapatid ni Jose, natuwa ang Faraon at ang kanyang mga opisyal.

17Sinabi ng Faraon kay Jose, “Sabihin mo sa mga kapatid mo na kargahan nila ng pagkain ang mga hayop nila at bumalik sa lupain ng Canaan.

18Pagkatapos, dalhin nila rito ang kanilang ama at ang kani-kanilang pamilya, dahil ibibigay ko sa kanila ang pinakamagandang lupain sa Ehipto at matitikman nila ang pinakamagandang ani nito.

19“Sabihin mo rin sa kanila na magdala sila ng mga karwahe mula rito sa Ehipto upang masakyan ng mga asawaʼt anak nila. At dalhin nila rito ang inyong ama.

20Huwag na silang manghinayang sa mga ari-arian nilang maiiwan dahil ang magagandang bagay sa buong Ehipto ay magiging sa kanila.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.