25Sila ang pitong anak at apo ni Jacob kay Bilha na aliping ibinigay ni Laban kay Raquel.
26Ang bilang ng lahat ng anak at apo ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay animnapuʼt anim. Hindi pa kabilang dito ang mga asawa ng kanyang mga anak.
27Kasama ang dalawang anak na lalaki ni Jose na ipinanganak sa Ehipto, pitumpu ang kabuuan ng sambahayan ni Jacob na natipon sa Ehipto.
28Nang malapit na sila sa Ehipto, inutusan ni Jacob si Juda na maunang pumunta kay Jose upang ituro sa kanila ang daang patungo sa Goshen. At nang makarating na sina Jacob sa Goshen,
29sumakay si Jose sa karwahe niya at pumunta sa Goshen para salubungin ang kanyang ama. Nang magkita sila, niyakap ni Jose ang kanyang ama at matagal na umiyak.