Genesis 46

sumakay si Jose sa karwahe niya at pumunta sa Goshen para salubungin ang kanyang ama. Nang magkita sila, niyakap ni Jose ang kanyang ama at matagal na umiyak.

Genesis 46:29 (UKJV) And Joseph made ready his chariot, and went up to meet Israel his father, to Goshen, and presented himself unto him; and he fell on his neck, and wept on his neck a good while.

27Kasama ang dalawang anak na lalaki ni Jose na ipinanganak sa Ehipto, pitumpu ang kabuuan ng sambahayan ni Jacob na natipon sa Ehipto.

28Nang malapit na sila sa Ehipto, inutusan ni Jacob si Juda na maunang pumunta kay Jose upang ituro sa kanila ang daang patungo sa Goshen. At nang makarating na sina Jacob sa Goshen,

29sumakay si Jose sa karwahe niya at pumunta sa Goshen para salubungin ang kanyang ama. Nang magkita sila, niyakap ni Jose ang kanyang ama at matagal na umiyak.

30Sinabi ni Jacob kay Jose, “Ngayon, handa na akong mamatay dahil nakita kong mismo na buhay ka pa.”

31At sinabi ni Jose sa mga kapatid niya at sa buong sambahayan ng kanyang ama, “Aalis ako at sasabihin sa Faraon na narito na ang mga kapatid ko at ang buong sambahayan ng aking ama na nakatira sa Canaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.