Genesis 46

Nang malapit na sila sa Ehipto, inutusan ni Jacob si Juda na maunang pumunta kay Jose upang ituro sa kanila ang daang patungo sa Goshen. At nang makarating na sina Jacob sa Goshen,

Genesis 46:28 (UKJV) And he sent Judah before him unto Joseph, to direct his face unto Goshen; and they came into the land of Goshen.

26Ang bilang ng lahat ng anak at apo ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay animnapuʼt anim. Hindi pa kabilang dito ang mga asawa ng kanyang mga anak.

27Kasama ang dalawang anak na lalaki ni Jose na ipinanganak sa Ehipto, pitumpu ang kabuuan ng sambahayan ni Jacob na natipon sa Ehipto.

28Nang malapit na sila sa Ehipto, inutusan ni Jacob si Juda na maunang pumunta kay Jose upang ituro sa kanila ang daang patungo sa Goshen. At nang makarating na sina Jacob sa Goshen,

29sumakay si Jose sa karwahe niya at pumunta sa Goshen para salubungin ang kanyang ama. Nang magkita sila, niyakap ni Jose ang kanyang ama at matagal na umiyak.

30Sinabi ni Jacob kay Jose, “Ngayon, handa na akong mamatay dahil nakita kong mismo na buhay ka pa.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.