13Ngayon, malala na ang taggutom kaya wala nang pagkain kahit saan. Nanghina na ang mga tao sa Ehipto at sa Canaan dahil sa gutom.
14Tinipon ni Jose ang lahat ng perang ibinayad ng mga taga-Ehipto at taga-Canaan na bumili ng pagkain, at dinala ito sa palasyo ng Faraon.
15Dumating ang panahon na naubos na ang perang pambili ng mga taga-Ehipto at ng mga taga-Canaan. Pumunta ang mga taga-Ehipto kay Jose at sinabi, “Wala na po kaming pera. Kung maaari bigyan na lang ninyo kami ng pagkain dahil mamamatay na kami sa gutom.”
16Sinabi ni Jose, “Kung wala na talaga kayong pera, dalhin nʼyo rito ang mga hayop ninyo at iyon ang ibayad ninyo sa pagkain ninyo.”
17Kaya dinala nila kay Jose ang kanilang mga kabayo, tupa, baka at asno, at ipinalit ito sa pagkain. Sa loob ng isang taon, sinustentuhan sila ni Jose ng pagkain kapalit ng kanilang mga hayop.