Genesis 47

Tinipon ni Jose ang lahat ng perang ibinayad ng mga taga-Ehipto at taga-Canaan na bumili ng pagkain, at dinala ito sa palasyo ng Faraon.

Genesis 47:14 (UKJV) And Joseph gathered up all the money that was found in the land of Egypt, and in the land of Canaan, for the corn which they bought: and Joseph brought the money into Pharaoh's house.

12Sinustentuhan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama ayon sa dami ng kanilang mga anak.

13Ngayon, malala na ang taggutom kaya wala nang pagkain kahit saan. Nanghina na ang mga tao sa Ehipto at sa Canaan dahil sa gutom.

14Tinipon ni Jose ang lahat ng perang ibinayad ng mga taga-Ehipto at taga-Canaan na bumili ng pagkain, at dinala ito sa palasyo ng Faraon.

15Dumating ang panahon na naubos na ang perang pambili ng mga taga-Ehipto at ng mga taga-Canaan. Pumunta ang mga taga-Ehipto kay Jose at sinabi, “Wala na po kaming pera. Kung maaari bigyan na lang ninyo kami ng pagkain dahil mamamatay na kami sa gutom.”

16Sinabi ni Jose, “Kung wala na talaga kayong pera, dalhin nʼyo rito ang mga hayop ninyo at iyon ang ibayad ninyo sa pagkain ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.