11Ayon sa utos ng Faraon, inilagay ni Jose sa ayos ang kanyang ama at mga kapatid sa Ehipto; ibinigay niya sa kanila ang lugar ng Rameses, na isa sa pinakamagandang lupain sa Ehipto.
12Sinustentuhan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama ayon sa dami ng kanilang mga anak.
13Ngayon, malala na ang taggutom kaya wala nang pagkain kahit saan. Nanghina na ang mga tao sa Ehipto at sa Canaan dahil sa gutom.
14Tinipon ni Jose ang lahat ng perang ibinayad ng mga taga-Ehipto at taga-Canaan na bumili ng pagkain, at dinala ito sa palasyo ng Faraon.
15Dumating ang panahon na naubos na ang perang pambili ng mga taga-Ehipto at ng mga taga-Canaan. Pumunta ang mga taga-Ehipto kay Jose at sinabi, “Wala na po kaming pera. Kung maaari bigyan na lang ninyo kami ng pagkain dahil mamamatay na kami sa gutom.”