Genesis 47

Sinustentuhan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama ayon sa dami ng kanilang mga anak.

Genesis 47:12 (UKJV) And Joseph nourished his father, and his brethren, and all his father's household, with bread, according to their families.

10Pagkatapos, muli niyang binasbasan ang Faraon, at umalis siya sa harapan ng Faraon.

11Ayon sa utos ng Faraon, inilagay ni Jose sa ayos ang kanyang ama at mga kapatid sa Ehipto; ibinigay niya sa kanila ang lugar ng Rameses, na isa sa pinakamagandang lupain sa Ehipto.

12Sinustentuhan ni Jose ng pagkain ang kanyang ama, mga kapatid at ang buong sambahayan ng kanyang ama ayon sa dami ng kanilang mga anak.

13Ngayon, malala na ang taggutom kaya wala nang pagkain kahit saan. Nanghina na ang mga tao sa Ehipto at sa Canaan dahil sa gutom.

14Tinipon ni Jose ang lahat ng perang ibinayad ng mga taga-Ehipto at taga-Canaan na bumili ng pagkain, at dinala ito sa palasyo ng Faraon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.