16Sinabi ni Jose, “Kung wala na talaga kayong pera, dalhin nʼyo rito ang mga hayop ninyo at iyon ang ibayad ninyo sa pagkain ninyo.”
17Kaya dinala nila kay Jose ang kanilang mga kabayo, tupa, baka at asno, at ipinalit ito sa pagkain. Sa loob ng isang taon, sinustentuhan sila ni Jose ng pagkain kapalit ng kanilang mga hayop.
18Pagkalipas ng isang taon, pumunta na naman ang mga tao kay Jose at nagsabi, “Hindi po maitatago sa inyo na wala na kaming pera at ang mga hayop namin ay nariyan na sa inyo. Wala na pong naiwan sa amin, maliban sa aming sarili at mga lupain.
19Kaya tulungan nʼyo po kami upang hindi kami mamatay at hindi mapabayaan ang mga lupain namin. Payag po kami na maging alipin na lang ng hari at mapasakanya ang mga lupain namin upang may makain lang kami. Bigyan nʼyo po kami agad ng mga binhi na maitatanim upang hindi kami mamatay at hindi namin mapabayaan ang mga lupain namin.”
20Kaya si Jose, binili niya ang lahat ng lupain sa buong Ehipto para sa Faraon. Ibinenta ng bawat Ehipsiyo ang kanyang lupa sa kanya dahil matindi na ang taggutom. Kaya ang buong lupain ay naging pag-aari ng Faraon.