Genesis 47

Kaya tulungan nʼyo po kami upang hindi kami mamatay at hindi mapabayaan ang mga lupain namin. Payag po kami na maging alipin na lang ng hari at mapasakanya ang mga lupain namin upang may makain lang kami. Bigyan nʼyo po kami agad ng mga binhi na maitatanim upang hindi kami mamatay at hindi namin mapabayaan ang mga lupain namin.”

Genesis 47:19 (UKJV) Wherefore shall we die before yours eyes, both we and our land? buy us and our land for bread, and we and our land will be servants unto Pharaoh: and give us seed, that we may live, and not die, that the land be not desolate.

17Kaya dinala nila kay Jose ang kanilang mga kabayo, tupa, baka at asno, at ipinalit ito sa pagkain. Sa loob ng isang taon, sinustentuhan sila ni Jose ng pagkain kapalit ng kanilang mga hayop.

18Pagkalipas ng isang taon, pumunta na naman ang mga tao kay Jose at nagsabi, “Hindi po maitatago sa inyo na wala na kaming pera at ang mga hayop namin ay nariyan na sa inyo. Wala na pong naiwan sa amin, maliban sa aming sarili at mga lupain.

19Kaya tulungan nʼyo po kami upang hindi kami mamatay at hindi mapabayaan ang mga lupain namin. Payag po kami na maging alipin na lang ng hari at mapasakanya ang mga lupain namin upang may makain lang kami. Bigyan nʼyo po kami agad ng mga binhi na maitatanim upang hindi kami mamatay at hindi namin mapabayaan ang mga lupain namin.”

20Kaya si Jose, binili niya ang lahat ng lupain sa buong Ehipto para sa Faraon. Ibinenta ng bawat Ehipsiyo ang kanyang lupa sa kanya dahil matindi na ang taggutom. Kaya ang buong lupain ay naging pag-aari ng Faraon.

21Ginawa ni Jose na mga alipin ng Faraon ang mga tao sa buong Ehipto.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.