Genesis 47

Kaya ginawa ni Jose ang kautusan sa lupain ng Ehipto na ang dalawampung porsiyento ng ani ay para sa Faraon. Ang kautusang ito ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi naging pag-aari ng Faraon.

Genesis 47:26 (UKJV) And Joseph made it a law over the land of Egypt unto this day, that Pharaoh should have the fifth part, except the land of the priests only, which became not Pharaoh's.

24Kapag aani kayo, ibigay ninyo sa Faraon ang dalawampung porsiyento ng inyong ani. At sa inyo na ang matitira, upang may maitanim kayo at may makain ang buong sambahayan ninyo.”

25Sinabi ng mga tao, “Ginoo, napakabuti po ninyong amo sa amin; iniligtas nʼyo ang buhay namin. Pumapayag po kami na maging alipin ng Faraon.”

26Kaya ginawa ni Jose ang kautusan sa lupain ng Ehipto na ang dalawampung porsiyento ng ani ay para sa Faraon. Ang kautusang ito ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi naging pag-aari ng Faraon.

27Tumira ang mga Israelita sa Goshen na sakop ng Ehipto. Nagkaroon sila roon ng lupain at dumami pa ang lahi nila.

28Tumira si Jacob sa Ehipto sa loob ng labingpitong taon, nabuhay siya hanggang 147 taon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.