23Sinabi ni Jose sa mga tao, “Ngayon na nabili ko na kayo pati ang mga lupain ninyo para sa Faraon, heto ang binhi upang makapagtanim kayo.
24Kapag aani kayo, ibigay ninyo sa Faraon ang dalawampung porsiyento ng inyong ani. At sa inyo na ang matitira, upang may maitanim kayo at may makain ang buong sambahayan ninyo.”
25Sinabi ng mga tao, “Ginoo, napakabuti po ninyong amo sa amin; iniligtas nʼyo ang buhay namin. Pumapayag po kami na maging alipin ng Faraon.”
26Kaya ginawa ni Jose ang kautusan sa lupain ng Ehipto na ang dalawampung porsiyento ng ani ay para sa Faraon. Ang kautusang ito ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi naging pag-aari ng Faraon.
27Tumira ang mga Israelita sa Goshen na sakop ng Ehipto. Nagkaroon sila roon ng lupain at dumami pa ang lahi nila.