Genesis 47

Kapag aani kayo, ibigay ninyo sa Faraon ang dalawampung porsiyento ng inyong ani. At sa inyo na ang matitira, upang may maitanim kayo at may makain ang buong sambahayan ninyo.”

Genesis 47:24 (UKJV) And it shall come to pass in the increase, that all of you shall give the fifth part unto Pharaoh, and four parts shall be your own, for seed of the field, and for your food, and for them of your households, and for food for your little ones.

22Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi nabili ni Jose. Hindi nila kailangang ipagbili ang mga lupain nila dahil sinusustentuhan sila ng Faraon ng pagkain at ng mga pangangailangan nila.

23Sinabi ni Jose sa mga tao, “Ngayon na nabili ko na kayo pati ang mga lupain ninyo para sa Faraon, heto ang binhi upang makapagtanim kayo.

24Kapag aani kayo, ibigay ninyo sa Faraon ang dalawampung porsiyento ng inyong ani. At sa inyo na ang matitira, upang may maitanim kayo at may makain ang buong sambahayan ninyo.”

25Sinabi ng mga tao, “Ginoo, napakabuti po ninyong amo sa amin; iniligtas nʼyo ang buhay namin. Pumapayag po kami na maging alipin ng Faraon.”

26Kaya ginawa ni Jose ang kautusan sa lupain ng Ehipto na ang dalawampung porsiyento ng ani ay para sa Faraon. Ang kautusang ito ay nagpapatuloy pa hanggang ngayon. Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi naging pag-aari ng Faraon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.