Genesis 47

Sinabi ni Jose sa mga tao, “Ngayon na nabili ko na kayo pati ang mga lupain ninyo para sa Faraon, heto ang binhi upang makapagtanim kayo.

Genesis 47:23 (UKJV) Then Joseph said unto the people, Behold, I have bought you this day and your land for Pharaoh: lo, here is seed for you, and all of you shall sow the land.

21Ginawa ni Jose na mga alipin ng Faraon ang mga tao sa buong Ehipto.

22Ang mga lupain lang ng mga pari ang hindi nabili ni Jose. Hindi nila kailangang ipagbili ang mga lupain nila dahil sinusustentuhan sila ng Faraon ng pagkain at ng mga pangangailangan nila.

23Sinabi ni Jose sa mga tao, “Ngayon na nabili ko na kayo pati ang mga lupain ninyo para sa Faraon, heto ang binhi upang makapagtanim kayo.

24Kapag aani kayo, ibigay ninyo sa Faraon ang dalawampung porsiyento ng inyong ani. At sa inyo na ang matitira, upang may maitanim kayo at may makain ang buong sambahayan ninyo.”

25Sinabi ng mga tao, “Ginoo, napakabuti po ninyong amo sa amin; iniligtas nʼyo ang buhay namin. Pumapayag po kami na maging alipin ng Faraon.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.