3Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?” Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin.
4Pumunta kami rito upang pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”
5Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid,
6nakabukas ang Ehipto para sa pamilya ninyo. Patirahin mo sila sa Goshen na isa sa magagandang lupain sa Ehipto. At kung may mapipili ka sa kanila na mapagkakatiwalaan, gawin silang tagapagbantay ng mga hayop ko.”
7Dinala ni Jose ang kanyang ama sa Faraon at ipinakilala. Pagkatapos, binasbasan ni Jacob ang Faraon.