Genesis 47

Pumunta kami rito upang pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”

Genesis 47:4 (UKJV) They said moreover unto Pharaoh, In order to sojourn in the land are we come; for your servants have no pasture for their flocks; for the famine is sore in the land of Canaan: now therefore, we pray you, let your servants dwell in the land of Goshen.

2Isinama ni Jose ang lima sa kanyang mga kapatid at ipinakilala niya agad sa Faraon.

3Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?” Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin.

4Pumunta kami rito upang pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”

5Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid,

6nakabukas ang Ehipto para sa pamilya ninyo. Patirahin mo sila sa Goshen na isa sa magagandang lupain sa Ehipto. At kung may mapipili ka sa kanila na mapagkakatiwalaan, gawin silang tagapagbantay ng mga hayop ko.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.