1Pagkatapos, pumunta nga si Jose sa Faraon. Sinabi ni Jose sa hari, “Dumating na po ang aking ama at mga kapatid galing sa Canaan, at dala po nila ang mga hayop nila at ang lahat ng kanilang ari-arian. Naroon po sila ngayon sa Goshen.”
2Isinama ni Jose ang lima sa kanyang mga kapatid at ipinakilala niya agad sa Faraon.
3Tinanong sila ng Faraon, “Ano ang trabaho ninyo?” Sumagot sila, “Mga pastol po kami ng hayop, katulad ng mga magulang namin.
4Pumunta kami rito upang pansamantalang manirahan dahil matindi po ang taggutom sa Canaan, at wala na kaming mapagpastulan ng mga hayop namin. Hinihiling po namin sa inyo na kung maaari ay payagan nʼyo kaming manirahan sa Goshen.”
5Sinabi ng Faraon kay Jose, “Ngayong dumating na ang iyong ama at mga kapatid,