Genesis 48

Hindi nagtagal, may nagbalita kay Jose na may sakit ang kanyang ama. Kaya dinalaw ni Jose ang kanyang ama at isinama niya ang dalawang anak niyang sina Manases at Efraim.

Genesis 48:1 (UKJV) And it came to pass after these things, that one told Joseph, Behold, your father is sick: and he took with him his two sons, Manasseh and Ephraim.

1Hindi nagtagal, may nagbalita kay Jose na may sakit ang kanyang ama. Kaya dinalaw ni Jose ang kanyang ama at isinama niya ang dalawang anak niyang sina Manases at Efraim.

2Nang masabihan si Jacob na dumating ang anak niyang si Jose, nagpalakas siya at sinikap na makaupo sa kanyang higaan.

3Sinabi ni Jacob kay Jose, “Noong naroon pa ako sa Luz, sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan at binasbasan niya ako.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.