Genesis 48

Sinabi ni Jacob kay Jose, “Noong naroon pa ako sa Luz, sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan at binasbasan niya ako.

Genesis 48:3 (UKJV) And Jacob said unto Joseph, God Almighty appeared unto me at Luz in the land of Canaan, and blessed me,

1Hindi nagtagal, may nagbalita kay Jose na may sakit ang kanyang ama. Kaya dinalaw ni Jose ang kanyang ama at isinama niya ang dalawang anak niyang sina Manases at Efraim.

2Nang masabihan si Jacob na dumating ang anak niyang si Jose, nagpalakas siya at sinikap na makaupo sa kanyang higaan.

3Sinabi ni Jacob kay Jose, “Noong naroon pa ako sa Luz, sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan at binasbasan niya ako.

4Sinabi niya, ‘Pararamihin ko ang iyong lahi at magiging ama ka ng maraming tao. Ibibigay ko ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi mo at magiging inyo na ito magpakailanman.’

5“Ang dalawa mong anak na sina Efraim at Manases, na ipinanganak dito sa Ehipto bago ako dumating ay ituturing kong mga anak ko kagaya nina Ruben at Simeon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.