Genesis 48

Sinabi niya, ‘Pararamihin ko ang iyong lahi at magiging ama ka ng maraming tao. Ibibigay ko ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi mo at magiging inyo na ito magpakailanman.’

Genesis 48:4 (UKJV) And said unto me, Behold, I will make you fruitful, and multiply you, and I will make of you a multitude of people; and will give this land to your seed after you for an everlasting possession.

2Nang masabihan si Jacob na dumating ang anak niyang si Jose, nagpalakas siya at sinikap na makaupo sa kanyang higaan.

3Sinabi ni Jacob kay Jose, “Noong naroon pa ako sa Luz, sa lupain ng Canaan, nagpakita sa akin ang Diyos na Makapangyarihan at binasbasan niya ako.

4Sinabi niya, ‘Pararamihin ko ang iyong lahi at magiging ama ka ng maraming tao. Ibibigay ko ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi mo at magiging inyo na ito magpakailanman.’

5“Ang dalawa mong anak na sina Efraim at Manases, na ipinanganak dito sa Ehipto bago ako dumating ay ituturing kong mga anak ko kagaya nina Ruben at Simeon.

6Ngunit mananatiling iyo ang susunod mong mga anak at makakatanggap sila ng mana galing kina Efraim at Manases.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.