Genesis 48

Ngunit mananatiling iyo ang susunod mong mga anak at makakatanggap sila ng mana galing kina Efraim at Manases.

Genesis 48:6 (UKJV) And your issue, which you brought forth after them, shall be yours, and shall be called after the name of their brethren in their inheritance.

4Sinabi niya, ‘Pararamihin ko ang iyong lahi at magiging ama ka ng maraming tao. Ibibigay ko ang lupaing ito ng Canaan sa mga lahi mo at magiging inyo na ito magpakailanman.’

5“Ang dalawa mong anak na sina Efraim at Manases, na ipinanganak dito sa Ehipto bago ako dumating ay ituturing kong mga anak ko kagaya nina Ruben at Simeon.

6Ngunit mananatiling iyo ang susunod mong mga anak at makakatanggap sila ng mana galing kina Efraim at Manases.

7Gagawin ko ito alang-alang sa iyong ina. Pabalik na kami noon galing sa Padan. Namatay siya sa lupain ng Canaan, noong malapit na kami sa Efrata. Kaya kalakip ng matinding kalungkutan, inilibing ko na lang siya sa tabi ng daan na papunta sa Efrata.” (Ang Efrata ang tinatawag ngayon na Bethlehem.)

8Nang makita ni Israel ang mga anak na lalaki ni Jose, nagtanong siya, “Sino sila?”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.