11Itatali niya ang kanyang asno at guya sa pinakamagandang puno ng ubas, at lalabhan niya sa alak ang kanyang mga damit
12Mas mapula pa kaysa sa alak ang kanyang mga mata at mas maputi kaysa sa gatas ang mga ngipin niya.
13“Si Zebulun ay maninirahan sa tabi ng dagat. Magiging daungan siya ng mga sasakyang pandagat. Ang lupain niya ay aabot hanggang Sidon.
14“Si Isacar ay katulad ng malakas na asno na nakahiga sa kulungan ng mga tupa.
15Nang makita niyang masagana at mainam ang kanyang lupain titiisin na lang niyang magpaalipin, kahit pa siyaʼy sapilitang pagtatrabahuhin.