24Ngunit matatag pa rin ang kanyang pana, nanatiling matibay ang kamay niya, dahil sa tulong ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob, ang Pastol at ang Batong kanlungan ng Israel.
25Ang Diyos ng iyong ama ang siyang tutulong sa iyo. Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyo ng ulan mula sa langit at tubig mula sa kailaliman ng lupa. Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop.
26Ang pagpapala ng iyong ama ay higit pa sa pagpapala ng mga bundok noong sinauna, o sa mga yamang mula sa burol na matatanda na. Nawaʼy manatili itong lahat sa ulo ni Jose na siyang nakahihigit sa magkakapatid.
27“Si Benjamin ay tulad ng isang lobong gutom na gutom; sa umagaʼy nilalapa ang kanyang nahuli at sa gabi namaʼy ang mga nasamsam ay pinaghahatian.”
28Sila ang labindalawang anak ni Jacob na pinanggalingan ng mga lahi ng Israel. At iyon ang huling habilin ni Jacob sa bawat isa sa kanila. Biniyayaan niya ang bawat isa ng basbas na angkop sa kanila.