Genesis 49

Ang Diyos ng iyong ama ang siyang tutulong sa iyo. Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyo ng ulan mula sa langit at tubig mula sa kailaliman ng lupa. Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop.

Genesis 49:25 (UKJV) Even by the God of your father, who shall help you; and by the Almighty, who shall bless you with blessings of heaven above, blessings of the deep that lies under, blessings of the breasts, and of the womb:

23Kaiinisan siya ng mga mamamana. Sa kanilang galit siyaʼy papanain nila.

24Ngunit matatag pa rin ang kanyang pana, nanatiling matibay ang kamay niya, dahil sa tulong ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob, ang Pastol at ang Batong kanlungan ng Israel.

25Ang Diyos ng iyong ama ang siyang tutulong sa iyo. Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyo ng ulan mula sa langit at tubig mula sa kailaliman ng lupa. Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop.

26Ang pagpapala ng iyong ama ay higit pa sa pagpapala ng mga bundok noong sinauna, o sa mga yamang mula sa burol na matatanda na. Nawaʼy manatili itong lahat sa ulo ni Jose na siyang nakahihigit sa magkakapatid.

27“Si Benjamin ay tulad ng isang lobong gutom na gutom; sa umagaʼy nilalapa ang kanyang nahuli at sa gabi namaʼy ang mga nasamsam ay pinaghahatian.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.