22“Si Jose ay tulad ng mabungang sanga, tulad ng mabungang baging sa tabi ng bukal na gumagapang paakyat sa pader.
23Kaiinisan siya ng mga mamamana. Sa kanilang galit siyaʼy papanain nila.
24Ngunit matatag pa rin ang kanyang pana, nanatiling matibay ang kamay niya, dahil sa tulong ng Makapangyarihang Diyos ni Jacob, ang Pastol at ang Batong kanlungan ng Israel.
25Ang Diyos ng iyong ama ang siyang tutulong sa iyo. Ang Diyos na Makapangyarihan ang magpapala sa iyo ng ulan mula sa langit at tubig mula sa kailaliman ng lupa. Pagpapalain ka rin niya ng maraming anak at hayop.
26Ang pagpapala ng iyong ama ay higit pa sa pagpapala ng mga bundok noong sinauna, o sa mga yamang mula sa burol na matatanda na. Nawaʼy manatili itong lahat sa ulo ni Jose na siyang nakahihigit sa magkakapatid.