4Maligalig kang gaya ng tubig at hindi ka mapigilan kaya hindi na ikaw ang nasa unahan. Sapagkat dinumihan mo ang aking higaan at ang aking dangal ay iyong dinungisan.
5“Sina Simeon at Levi ay magkakampi, ang mga espada nilaʼy sandata ng kalupitan.
6Hindi ako sasáma ni dadalo sa pagtitipon nila sapagkat sa kanilang galit ay pumapatay sila ng mga tao at pinipilayan nila ang mga toro kapag gusto nila.
7Sinusumpa ko ang kanilang galit, dahil itoʼy malupit, at ang kanilang poot, dahil itoʼy mabagsik. Ikakalat ko sila sa angkan ni Jacob, at magkakawatak-watak sila sa buong Israel.
8“Ikaw Juda, pupurihin ka ng iyong mga kapatid. Ang iyong mga kaaway ay hahawakan mo sa leeg. Ang mga anak ng iyong amaʼy yuyuko saʼyo.