2Lumapit kayo, mga anak ni Jacob; makinig kayo sa inyong amang si Israel.
3“Ikaw, Ruben, na aking panganay, ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki. Nangunguna ka sa karangalan at nangunguna rin sa kapangyarihan.
4Maligalig kang gaya ng tubig at hindi ka mapigilan kaya hindi na ikaw ang nasa unahan. Sapagkat dinumihan mo ang aking higaan at ang aking dangal ay iyong dinungisan.
5“Sina Simeon at Levi ay magkakampi, ang mga espada nilaʼy sandata ng kalupitan.
6Hindi ako sasáma ni dadalo sa pagtitipon nila sapagkat sa kanilang galit ay pumapatay sila ng mga tao at pinipilayan nila ang mga toro kapag gusto nila.