Genesis 49

“Ikaw, Ruben, na aking panganay, ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki. Nangunguna ka sa karangalan at nangunguna rin sa kapangyarihan.

Genesis 49:3 (UKJV) Reuben, you are my firstborn, my might, and the beginning of my strength, the excellency of dignity, and the excellency of power:

1Pagkatapos, tinawag ni Jacob ang mga anak niyang lalaki, at sinabi, “Lumapit kayo rito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo sa darating na panahon.

2Lumapit kayo, mga anak ni Jacob; makinig kayo sa inyong amang si Israel.

3“Ikaw, Ruben, na aking panganay, ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki. Nangunguna ka sa karangalan at nangunguna rin sa kapangyarihan.

4Maligalig kang gaya ng tubig at hindi ka mapigilan kaya hindi na ikaw ang nasa unahan. Sapagkat dinumihan mo ang aking higaan at ang aking dangal ay iyong dinungisan.

5“Sina Simeon at Levi ay magkakampi, ang mga espada nilaʼy sandata ng kalupitan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.