Genesis 49

Lumapit kayo, mga anak ni Jacob; makinig kayo sa inyong amang si Israel.

Genesis 49:2 (UKJV) Gather yourselves together, and hear, all of you sons of Jacob; and hearken unto Israel your father.

1Pagkatapos, tinawag ni Jacob ang mga anak niyang lalaki, at sinabi, “Lumapit kayo rito at sasabihin ko sa inyo kung ano ang mangyayari sa inyo sa darating na panahon.

2Lumapit kayo, mga anak ni Jacob; makinig kayo sa inyong amang si Israel.

3“Ikaw, Ruben, na aking panganay, ang aking lakas at bunga ng aking pagkalalaki. Nangunguna ka sa karangalan at nangunguna rin sa kapangyarihan.

4Maligalig kang gaya ng tubig at hindi ka mapigilan kaya hindi na ikaw ang nasa unahan. Sapagkat dinumihan mo ang aking higaan at ang aking dangal ay iyong dinungisan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.