1Ito ang kasaysayan na isinulat tungkol sa pamilya ni Adan. Nang likhain ng Diyos ang tao, ginawa niya silang kawangis niya.
2Nilikha niya ang lalaki at babae, at binasbasan niya sila at tinawag na “tao.”
3Nang 130 taóng gulang na si Adan, isinilang ang kanyang anak na kawangis niya. Pinangalanan niya itong Set.
4Matapos isilang si Set, nabuhay pa si Adan ng walong daang taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.