22Matapos isilang si Metusela, nabuhay pa si Enoc ng tatlong daang taon na may malapit na relasyon sa Diyos at nadagdagan pa ang kanyang mga anak.
23Sa kabuuan, nabuhay si Enoc ng 365 taon.
24Namuhay siyang may malapít na relasyon sa Diyos bago siya nawala, dahil kinuha siya ng Diyos.
25Nang 187 taóng gulang na si Metusela, isinilang ang anak niyang lalaki na si Lamec.
26Matapos isilang si Lamec, nabuhay pa si Metusela ng 782 taon at nadagdagan pa ang mga anak niya.